Sen. Tito Sotto, kontra sa sinabi ni Robredo na bigo ang war on drugs

By Jan Escosio January 06, 2020 - 06:25 PM

Masasabing bigo lamang ang laban kung sumuko na.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na taliwas sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na bigo ang ikinakasang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa reaksyon ni Sotto sa iniulat ni Robredo ukol sa sitwasyon sa droga sa bansa, idiniin ng senador na magkakaiba ang pananaw nila ng pangalawang pangulo.

Aniya, sa kanyang naging karanasan sa Quezon City Anti-Drug Abuse Council, sinabi ni Sotto na ang pinakaepektibong paraan para masugpo ang droga ay prevention.

Giit ni Sotto, nagawa nilang maibaba sa siyam na porsiyento mula sa 54 porsiyento ang drug prevalance sa lungsod noong 1988.

Dagdag pa nito, kung mapipigilan na ang pagbili ay wala nang magbebenta ng droga.

TAGS: drug war, Sen. Vicente "Tito" Sotto III, VP Leni Robredo, War on drugs, drug war, Sen. Vicente "Tito" Sotto III, VP Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.