US Embassy sa Maynila, sinugod ng mga militante
Sumugod sa harapan ng tanggapan ng US Embassy sa Maynila ang mga miyembro ng ilang militanteng grupo para kondenahin ang nakaambang gyera sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ayon kay Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno (KMU), apektado maging ang maraming Filipino na nagtatrabaho sa Iran at Iraq dahil mawawalan sila ng trabaho.
Mapipilitan aniyang bumalik ang mga ito sa bansa sa takot na maipit sa gyera, pero ang problema wala namang trabaho na naghihintay sa kanila pagbalik sa Pilipinas.
Panawagan nila kay US President Donald Trump, itigil ang mga ginagawang airstrike at huwag hayaang matuloy ang nakaambang gyera dahil wala naman itong buting idudulot.
Apila rin nila sa US government na bawiin na ang mga tropa nito sa Middle East.
Bilang pagpapakita naman ng pagkondena, binato ng mga raliyista ng pintura ang larawan ni Trump.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.