Pagsasabatas ng 2020 budget, daan para tuloy-tuloy na programa at proyekto ng gobyerno
Magreresulta sa tuluy-tuloy na proyekto at programa ng pamahalaan ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P4.1-trillion 2020 national budget.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman at Davao City Rep. Isidro Ungab, mahalaga na mayroong operating budget ang bansa sa unang linggo pa lamang ng taon.
Bukod sa pagpapalakas ng ekonomiya, masisiguro nito na hindi mahihinto ang mga nakalinyang proyekto para sa kabuhayan ng mga Filipiono.
Para naman kay Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, ang pagsasabatas sa 2020 national budget ay magbibigay daan para sa mas maraming pang patas na mga proyekto sa mga distrito at sa partylist system.
Paliwanag ni Abu, kinunsulta ang lahat ng mga kinatawan sa ipinasa nilang budget sa Kongreso upang maging pantay-pantay ang distribusyon ng mga proyekto sa lahat ng sektor.
Paliwanag naman ni Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, idinisenyo ang 2020 budget para suportahan ang pagpapatatag ng pamumuhay ng mga Filipono lalo na ang mga ordinaryong mamamayan.
Sinabi naman ni Ako Bisaya Rep. Sonny Lagon na ang 2020 budget ay nakalaan para sa mga programa at proyekto sa ginawang roadmap para sa patuloy na kapayapaan at pag-unlad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.