Panukalang magtatag ng Food Banks, isinulong sa Kamara
Hinikayat ni AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin ang Kongreso ang panukala para sa pag-iwas sa pag-aaksaya ng pagkain at pagtatag ng mga Food Banks.
Sa ilalim ng House bill 3370 o ang Food Waste Reduction Act, magkakaroon ng mandato ang mga restaurants na mag-donate ng mga edible food surplus para sa charitable purposes.
Itinatakda di ng panukala ang mga may ari ng restaurants, cafes, fast food chains o hotels, supermarkets na may 500 square meters gayundin ang mga culinary schools na ihiwalay ang kanilang mga tirang pagkain na maari pang kainin para para ma i-donate.
Dadaan naman sa inspection ng local government unit ang mga food surplus na itinakda ng National Nutrition Council at Food and Drug Administration at kapag nasertipikahan ay maari na itong i-donate sa accredited Food Banks at ipamahagi sa mga mahihirap na Pinoy.
Iminungkahi rin ng mambabatas na magkaroon ng public-private partnership investments habang ang kongreso ay dapat din magtatag ng environment para sa pribadong sektor para mahikayat sila na mag invest sa mas epektibong implementasyon ng food waste management and reduction.
Kasabay nito ang panawagan ni Garin sa publiko na iwasan ang pag aaksya ng pagkain.
Apela ito ng kongresista kasunod ng ulat noong 2019 sa State of Food and Agriculture report ng United Nations Food and Agriculture Organization kung gaano kahalaga ang food waste reduction sa pagsusulong ng paglago ng ekonomiya at pag improve sa agricultural production kahit na medyo may kamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.