Pagbuo ng 50 Judges-at-Large posts ikinatuwa ni Sen. Angara
Hindi man lubos na naipapatupad, ikinatuwa na rin ni Senator Sonny Angara ang pagbuo ng Korte Suprema ng 50 judges-at-large posts.
Si Angara ang pangunahing may akda ng Republic Act 11459 o ang Judges-at-Large Act na layon magkaroon ng mabilis na hatol sa mga nakabinbing kaso at paggawad ng hustisya.
Pagdidiin ni Angara dahil sa backlog ng mga kaso sa korte, apektado nito ang mga biktima ng krimen maging ang mga nakakulong na akusado na sa kinalaunan naman ay mapapatunayan na inosente.
Paliwanag nitom nakasaad sa batas ang pagbuo ng 100 Judges-at-Large posts sa regional trial courts at 50 naman sa municipal trial courts.
Aniya ang mga Judges-at-Large at walang permanenteng sala at sila ay maaring maitalaga bilang acting o assisting judges sa saan man korte sa bansa.
Ngunit sila ay tatanggap ng mga benepisyo, suweldo at pribilehiyo ng mga regular court judges.
Nauna nang inanunsiyo ng Korte Suprema ang pagbuo ng 50 Judges-at-Large posts, 30 para sa RTCs at 20 para sa MTCs para sa partial implementation ng RA 11459.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.