Apela ni Mayor Sanchez laban sa revised IRR ng expanded GCTA law, pinawalang bisa ng Korte Suprema

By Ricky Brozas January 06, 2020 - 11:38 AM

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni dating Mayor Antonio Sanchez at iba pang heinous crimes convicts laban sa nirebisang implementing rules and regulations ng RA 10592 o expanded good conduct time allowance law.

Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, sinabi na bigo ang mga petitioners na makatugon sa ilang mga requirement na hinihingi para sa paghahain ng petition for mandamus.

Ayon sa SC, nabigo ang mga convicts na magbayad ng docket at iba pang court fees.

Wala ring proof of service at depektibo ang petisyon dahil sa hindi naka-notaryo.

Maliban sa mga ito wala ring certification against forum shopping ang petisyon at bigo na maghain ng required na bilang ng plain copies ng petisyon.

Sa 2019 revised IRR, idiniskwalipika ang mga heinous crime convicts, recidivist, habitual delinquents at escapees sa pwedeng makinabang sa time allowance.

TAGS: Antonio Sanchez, GCTA Law, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, revised IRR, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, Antonio Sanchez, GCTA Law, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, revised IRR, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.