#WALANGPASOK: Klase sa lahat ng antas sa Maynila suspendido sa Huwebes, Jan. 9, 2020

Sinuspinde ni Manila Mayor Isko Moreno ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Maynila sa January 9, 2020 para sa Traslacion 2020.

Sakop ng suspensyon ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan, unibersidad, at kolehiyo sa lungsod.

Wala ring pasok sa lahat ng tanggapan sa Manila City Hall o lahat ng opisinang nasasakupan ng Manila City Government para sa nasabing petsa.

Pero mananatiling may pasok sa mga opisina na ang trabaho ay may kaugnayan sa peace and order, public services, traffic enforcement, disaster risk reduction and management at sanitation.

Read more...