Iba pang kumpanya ng langis nag-abiso ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo

AFP Photo

(UPDATED)Nag-abiso na rin ang iba pang kumpanya ng langis sa ipatutupad nilang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng SeaOil at PTT Philippines, epektibo alas 6:00 ng umaga bukas ay magpapatupad ng bawas na 10 centavos sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang dagdag na 40 centavos sa kada litro ng diesel.

Ayon pa sa SeaOild, 30 centavos ang dagdag sa kada litro ng kerosene.

Ang Cleanfuel naman ay may parehong halaga ng adjustment sa diesel at gasolina epektibo sa alas 12:01 pa ng madaling araw ng Miyerkules, Jan. 8.

Una nang nag-abiso ng price adjustment ang kumpanyang Shell at Petrogazz.

Read more...