Dalawang mangingisda nailigtas sa karagatan ng Jordan, Guimaras

Dalawang mangingisda ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station sa Jordan sa karagatang sakop ng Jordan, Guimaras.

Ito ay makaraang pasukin ng tubig ang sinasakyang mangingisda ng mga ito may isangdaang metro ang layo mula sa pampang ng Bundolan sa Barangay Hoskyn kahapon, araw ng Linggo (Jan. 5).

Galing ng Maria Clara, Iloilo City ang dalawa nang maglayag para mangisda per nasira ang starboard ng bangka kaya pinasok ng tubig.

Kapwa naman ligtas ang kondisyon ng dalawa ang hinatak ang bangka nila sa patungo ng San Jose Wharf sa Jordan, Guimaras.

Read more...