WATCH: Mga pasahero ng isang barko na nagkaproblema sa Plaridel Port sa Misamis Occidental nagpapasaklolo sa coast guard
Nagpasaklolo sa Philippine Coast Guard ang mga pasahero ng isang barko sa Plaridel Port sa Misamis Occidental.
Isang pasahero ng barko ang nag-tweet ng video kung saan makikita ang mga pasaherong nakasuot na ng kanilang vest.
Sa tweet ng pasaherong si Daniel Et, humingi ito ng agarang tulong mula sa Coast Guard.
Aniya, sila ay nasa Plaridel Port at marami pang pasahero ang nakapila para mai-rescue.
Hindi naman tinukoy sa tweet kung ano ang naging sira ng barko.
Pero makikita sa video na nakahinto ang barko at napakalakas ng hampas ng alon.
Sinabi naman ng PCG na naipadala na nila sa Coast Guard Northern Mindanao ang impormasyon para sa karampatang aksyon.
@coastguardph WE NEED IMMEDIATE RESCUE ‼️ pic.twitter.com/U8ihdaLqHF
— Daniel Et 🌌 (@danielteeee) January 5, 2020
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.