Anim sugatan sa magkakasunod na pagsabog malapit sa U.S. Embassy sa Baghdad

By Dona Dominguez-Cargullo January 06, 2020 - 07:40 AM

Sugatan ang anim na katao sa magkakasunod na pagbagsak ng rockets malapit sa U.S. Embassy sa Baghdad, Iraq.

Nangyari ang pag-atake, ilang oras lamang matapos ipatawag ang ambassador ng Amerika sa Iraq para magpaliwanag sa airstrike sa Baghdad Airport na ikinasawi ng matataas na opisyal ng Iran.

Ito na ang ikalawang sunod na gabi na inatake ang Green Zone at ika-14 na pagkakataon sa nakalipas na dalawang buwan.

Noong Biyernes, iniutos na ng Amerika ang agarang paglilikas sa mga mamamayan nilang nasa Iraq.

Inabisuhan din ang lahat ng American Citizens sa Iraq na iwasan na lamang muna ang magtungo sa sa embahada. (END/DD)

TAGS: baghdad iraq, Explosion, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rocket, Tagalog breaking news, tagalog news website, US Embassy, baghdad iraq, Explosion, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rocket, Tagalog breaking news, tagalog news website, US Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.