Water level ng Angat dam umabot na sa 204.28 meters

Nasa 204-meter level na ang antas ng tubig sa Angat dam.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes (Jan. 6) ay 204.28 meters ang water level ng Angat dam ayon sa PAGASA Hydrology Division.

Mas tumaas pa ang water level ng Angat sa nakalipas na magdamag, pero malayo pa sa normal high water level na 212-meters.

Nadagdagan din ng bahagya ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.73 meters. Habang wala namang pagbabago sa water level ng Ipo dam na nasa 101.10 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao at Caliraya dams.

Nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat.

Read more...