Mga estudyanteng Pinoy ligtas matapos ang pagsabog sa paaralan sa Tripoli, Libya
Ligtas ang mga estudyanteng Pinoy matapos ang pagsabog na naganap sa Islamic Call College sa Tripoli, Libya.
Ayon sa Philippine Embassy in Libya, noong Sabado, may mga pagsabog na naganap sa sa labas ng paaralan.
Sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Gato, may mga Filipino scholars na nag-aaral sa eskwelahan.
Base sa pakikipag-ugnayan ng embahada sa kanila ay ligtas naman ang mga ito.
Ligtas din ang lahat ng Filipina Nurses na nagtatrabaho sa isang klinika na malapit sa military school na inatake ng airstrike.
Ayon kay Gato, tatlong araw matapos mai-rescue ng embahada ang walong Filipina Nurses ay naganap ang airstrike malapit sa klinina na ikinasawi ng 30 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.