Tail-end of a cold front nakaaapekto sa S. Luzon at E. Visayas

By Rhommel Balasbas January 06, 2020 - 05:23 AM

Walang namamataang sama ng panahon na makaaapekto sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, tail-end of a cold front at northeast monsoon o Amihan pa rin ang umiiral na weather systems sa bansa.

Dahil sa tail-end of a cold front, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro at Samar Provinces.

Magdadala naman ang Amihan ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora at Quezon.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan.

Dahil sa bugso ng Amihan, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng:
– Batanes
– Calayan
– Babuyan
– Cagayan
– Isabela
– Northern coast ng Ilocos Norte
– Aurora
– Northern Quezon
– Northern at eastern coast ng Polillo Islands
– Camarines Norte
– Northern coast ng Camarines Sur
– Eastern coast ng Sorsogon
– Northern at eastern coast ng Catanduanes
– Northern Samar
– Eastern Samar

TAGS: amihan, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, tail-end of a cold front, weather, amihan, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, tail-end of a cold front, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.