Duterte lalagdaan ngayong araw ang panukalang P4.1T 2020 national budget

By Rhommel Balasbas January 06, 2020 - 05:00 AM

Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang panukalang P4.1 trilyong 2020 national budget.

Una nang inanunsyo ni Presidential Legislative Liaison Office Sec. Adelino Sitoy na magaganap ang ceremonial signing ng 2020 General Appropriations Act (GAA) mamayang alas-4:00 ng hapon sa Rizal Hall ng Malacañang.

Walang binanggit si Sitoy kung may mga probisyon ng 2020 national budget na ive-veto si Duterte.

Noon pang December 20, 2019 naisumite ng Kongreso sa pangulo ang panukala matapos itong sertipikahang urgent.

Gayunman, nabalam ang pagpirma dahil masusi itong binusisi ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Nauna na ring pinalawig ng Malacañang ang ilang bahagi ng 2019 budget hanggang sa huling araw ng 2020 upang may magastos ang mga ahensya ng gobyerno para sa kanilang operational costs.

Samantala, noong December 19, 2019 sinabi ni Panelo na may mahalagang iaanunsyo ngayong January 6 si Duterte tungkol sa 1997 water concession deals.

Una nang nagbabala ang presidente ng takeover sa Metro Manila concessionaires dahil anya’y ‘onerous’ o pahirap na concession deals.

TAGS: 1997 water concession agreements, 2020 General Appropriations Act (GAA), ceremonial signing of P4.1T 2020 national budget, national budget, 1997 water concession agreements, 2020 General Appropriations Act (GAA), ceremonial signing of P4.1T 2020 national budget, national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.