Lalaki natagpuang patay sa Quezon City

By Rhommel Balasbas January 06, 2020 - 04:55 AM

Natagpuang patay ang isang lalaki sa kahabaan ng Araneta Ave. Brgy. Doña Imelda, Quezon City, ala-1:30 Lunes ng madaling-araw.

Batay sa nakuhang I.D. ng QCPD-Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) mula sa lalaki, nakilala ito na si Rommel Fajutag, residente ng Vitas, Tondo, Maynila.

Isang guwardya ang nakakita sa katawan ng biktima sa isang imbakan ng spare parts ng mga sasakyan.

Nakagapos ang mga kamay ng biktima at nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Ayon sa pulisya, ang sinapit ni Fajutag ay pareho sa nangyari sa isa pang lalaki na itinapon din ang katawan sa lugar noong December 23, 2019.

Parehong PhilHealth ID ang nakuha sa mga biktima at parehong dalawang basyo ng bala ang nakuha sa crime scene.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya kung may kaugnayan ang kaso ng dalawa.

TAGS: Brgy. Doña Imelda, man found dead, QCPD-Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), quezon city, Brgy. Doña Imelda, man found dead, QCPD-Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.