Mga Pinoy sa New Zealand pinag-iingat sa usok mula sa bushfires sa Australia

By Rhommel Balasbas January 06, 2020 - 04:28 AM

AP Photo

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa New Zealand ang mga Filipino dahil nakarating na sa Auckland ang usok mula sa bushfires sa Australia.

Sa advisory ng embahada araw ng Linggo, sinabing binabantayan ang sitwasyon sa Auckland region kung saan ang himpapawid ay nagkulay-dilaw na dahil sa usok mula sa bushfires.

Pinayuhan ang mga Pinoy sa nagmamaneho na iwasang magambala ng pagbabago sa kalangitan.

Ang mga mag respiratory conditions naman lalo na ang mga may hika ay pinapayuhang huwag munang lumabas dahil posibleng makaapekto ang air pollution particulates.

Batay sa ulat ng foreign media, sa state of New South Wales pa lamang ay na nasa 146 sunog na ang naitala.

TAGS: Auckland, Australian bushfires, New Zealand, Philippine Embassy in New Zealand, stay indoors, Auckland, Australian bushfires, New Zealand, Philippine Embassy in New Zealand, stay indoors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.