(Story updated) Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Davao Oriental alas-2:58 Lunes ng madaling-araw.
Una nang iniulat ng Phivolcs na may lakas na magnitude 5.1 ang pagyanig ngunit itinaas sa magnitude 5.4 sa kanilang earthquake information no. 2.
Ayon sa ahensya, ang episentro ng lindol ay sa layong 72 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Governor Generoso.
May lalim itong 50 kilometro at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang Intensity IV sa Governor Generoso.
Naitala naman ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity III – Alabel at Malungon, Sarangani
Intensity II – Kiamba, Sarangani; General Santos City; Tupi, South Cotabato
Intensity I – Koronadal City
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol ngunit inaasahan ang aftershocks ayon sa Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.