DOH nakaalerto kontra ‘mysterious pneumonia’ mula China
Ipinag-utos ng Department of Health (DOH) ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga biyaherong papasok mula sa China matapos mapaulat ang mga kaso ng ‘mysterious viral pneumonia’ sa Wuhan City.
Ayon sa DOH, nakaapekto na sa 44 katao ang naturang sakit at hindi pa matukoy ang pinagmulan nito.
Inatasan ni Health Sec. Francisco Duque ang Bureau of Quarantine (BOQ) na palakasin ang surveillance sa lahat ng seaports at airports sa bansa.
Naka-high alert ngayon ang BOQ kung saan dadadan sa screening at health check ang mga biyahero mula sa China.
Hinimok ng kalihim ang publiko lalo na ang mga nanggaling sa China na agad kumonsulta sa doktor kung nakararanas ng mga sintomas ng flu.
Lahat ng 44 na natamaan ng ‘mysterious viral pneumonia’ ay naka-quarantine at 11 dito ay kritikal.
Aabot din sa 121 katao na nagkaroon ng contact sa 44 ang isinailalim sa medical observation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.