Magnitude 4.3 na lindol, yumanig sa Northern Samar

(UPDATED) Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Northern Samar, Linggo ng gabi.

Sinabi ng Phivolcs na tumama ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometers Northeast ng San Isidro bandang 7:03 ng hapon.

May lalim ang lindol na 25 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:

Intensity 4:
– San Isidro at Victoria, Northern Samar

Intensity 3:
– Allen, San Jose, Lope De Vega, Northern Samar
– Catbalogan City
– Sta. Margarita, Samar
– Calbayog City

Intensity 2:
– Irosin, Sorsogon
– Las Navas, Northern Samar

Naramdaman naman ang instrumental intensity 1 sa Malilipot, Albay at Masbate City.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...