DILG, nagsampa ng kasong administratibo vs 10 alkalde

January 05, 2020 - 07:44 PM

Nagsampa ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng kasong administratibo laban sa sampung alkalde kasunod ng umano’y pagsunod sa direktiba ng gobyerno na alisin ang lahat ng mga sagabal sa kalsada.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na isinampa ang mga kaso sa Office of the Ombudsman laban sa sampung alkalde dahil sa kabiguang gawin ang tungkulin sa paglilinis ng mga kalsada sa kani-kanilang nasasakupan sa kabila ng mga paalala ng kagawaran.

Hindi rin aniya nagpatupad ang mga alkalde ng programa o plano.

Nabigo rin aniya ang local chief executives na sagutin ang show cause order noong buwan ng Oktubre.

Ayon sa kalihim, unang batch pa lamang ito ng mga kasong ihahain ng kagawaran.

Kabilang sa mga sinampahan ng kasong administratibo ay ang alkalde sa mga sumusunod na lugar:
– Pili, Camarines Sur
– Sagay at Guinsiliban, Camuigin
– Ginatilan, Cebu
– Caraga, Davao Oriental
– Manticao, Misamis Oriental
– Baco, Oriental Mindoro
– Pagsanghan, Samar
– Aurora at Lapuyan, Zamboanga Del Sur

Isasampa aniya ang mga susunod na kasong administratibo matapos i-review ng kanilang mga abogado ang mga ulat at sagot ng mga alkalde.

TAGS: administrative case, DILG, illegal obstructions, Sec. Eduardo Año, administrative case, DILG, illegal obstructions, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.