Tail-end of a cold front, nakakaapekto sa Southern Luzon at Eastern Visayas – PAGASA

PHOTO GRAB FROM DOST PAGASA’s website

Patuloy na nakakaapekto ang tail-end of a cold front sa Southern Luzon at Eastern Visayas, ayon sa PAGASA.

Sa weather update bandang 5:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas magdudulot ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pulu-pulong pagkulog at pagkidlat sa buong Bicol region, Marinduque, Romblon at Oriental Mindoro.

Posible aniyang makaranas ng biglaang malakas na buhos ng ulan sa mga nasabing lugar.

Dahil dito, pinag-iingat ni Rojas ang mga residente sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Samantala, northeast monsoon o Amihan naman ang umiiral sa ibang bahagi ng Luzon.

Mararanasan naman ang maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na mahihinang pag-ulan sa mga sumusunod na lugar:
– Cagayan Vallery
– Apayao
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Aurora
– Quezon province

Dagdag pa ni Rojas, walang binabantayang ibang sama ng panahon na inaasahang mabuo o pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa papasok na linggo.

Samantala, ani Rojas, magpapalit na ang direksyon ng hangin sa mga susunod na araw mula sa north easterlies ay manggagaling na sa Silangan.

Dahil dito, asahan na aniya ang pagtaas ng temperatura sa papasok na linggo.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila, Batanes, Babuyan FGroup of Islands at iba pang bahagi ng bansa.

Read more...