Presyo ng diesel at gaas tataas

(UPDATED) Nag-anunsiyo na ang ilang kumpanya ng ipatutupad na oil price adjustment sa susunod na linggo.

Ayon sa Shell at Petro Gazz, tataas ng P0.40 ang kada litro ng kanilang diesel.

Samantala, kapwa bababa nang P0.10 ang kada litro ng kanilang gasolina.

Sinabi naman ng Shell na P0.30 ang tapyas sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Epektibo ang oil price adjustments sa araw ng Martes, January 7, simula 6:00 ng umaga.

Paalala naman ng Shell, hindi pa kasama sa oil price adjustments ang mas mataas na excise tax.

Read more...