40 sakay ng nagkaproblemang bangka sa Guimaras, nailigtas ng PCG
Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 40 sakay ng bangkang nagkaproblema sa Buenavista, Guimaras araw ng Huwebes (January 2).
Ayon sa PCG, rumesponde sa motorbanca “Napali Cristy” ang mga tauhan ng PCG Sub-Station sa Buenavista 300 metro mula sa Mc Arthur Wharf.
Lulan ng bangka ang 36 pasahero at apat na crew members.
Nagmula ang bangka sa Parola Wharf, Iloilo at patungo sanang Mc Arthur Wharf sa Barangay Sto. Rosario sa Buenavista.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng engine trouble ang bangka.
Sinubukan umanong ayusin ng motorman ang bangka ngunit nabigo ito.
Tiniyak ng PCG na maayos ang kondisyon ng mga pasahero at crew member nang dalhin sa Mc Arthur Wharf.
Inabisuhan din ang kapitan ng bangka na maghain ng marine protest at certificate of sea worthiness bago muling maglayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.