IBP, kinondena ang pamamaril sa isang abogado sa Dumaguete City

By Angellic Jordan January 04, 2020 - 11:43 AM

CDND Photo

Kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pamamaril sa isang abogado sa Dumaguete City.

Tinambangan si Atty. Ray Moncada, 74-anyos, sa labas ng bahay nito sa Barangay Daro, Biyernes ng umaga.

Sa inilabas na pahayag, hiniling ng IBP ang “quick identification” at “full punishment” para sa responsable sa krimen.

Sinabi pa ng IBP na pangungutya ang pamamaril kay Moncada sa justice system sa bansa.

Handa naman ang IBP na pagpaabot ng tulong kay Moncada at sa pamilya nito.

Matatandaang isinailalim sa operasyon si Moncada sa Siliman University Medical Center makaraang magtamo ng tama ng bala sa katawan.

TAGS: Atty. Ray Moncada, IBP, Atty. Ray Moncada, IBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.