19 patay, 30 sugatan sa banggaan sa Myanmar-Thai border

Halos 19 katao ang nasawi habang hindi naman bababa sa 30 ang nasugatan sa naganap na banggaan sa Myanmar-Thai border, araw ng Biyernes.

Nangyari ang aksidente kung saan sangkot ang isang bus at isang sasakyan sa highway sa bayan ng Myawady.

Sa isang panayam, sinabi ni Myanmar Social Rescue Group vice-chairman Aung Myint na biglang nawalan ng preno ang bus dahilan para mabangga ang kasalubong sa sasakyan.

Nagmula aniya ang bus sa Yangon.

Patuloy namang nagpapagaling ang ilang sugatang biktima sa ospital.

Read more...