3 timbog sa buy-bust operation sa QC

Nahulihan ng ilegal na droga ang tatlo katao sa Quezon City, Sabado ng umaga.

Batay sa ulat, ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD) District 1 ang buy-bust operation sa labas ng Sto. Domingo Church.

Nakuha sa mga suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P200,000.

Narekober din ng mga otoridad sa mga suspek ang isang baril at ilang bala nito.

Read more...