Mga Filipino sa Saudi Arabia, pinag-iingat kasunod ng banta sa bansa
Naglabas ng paalala ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa mga Filipinong nananatili sa Saudi Arabia.
Sa inilabas na abiso, pinag-iingat ang Filipino communities laban sa posibleng banta sa bansa.
Dapat anilang sumunod sa mga ipinatutupad na protocols at batas ng bansa.
Tiniyak naman ng embahada na handa silang umasiste sa anumang security-related incidents at magbigay ng update hinggil sa sitwasyon sa lugar.
Maaari anilang makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan:
Assistance-to-Nationals Section (ANS) ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh:
– Landline number na 011-480-1918
– Hotline number na 056 989 3301
– E-mail address na [email protected]
Assistance-to-Nationals Section (ANS) ng Philippine Consulate General sa Jeddah:
– Hotline numbers na 055 219 613 o 055 219 614
– E-mail address na [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.