Daloy ng trapiko sa NLEX, SLEX maluwag pa rin

PHOTO CREDIT: @NLEXexpressways/TWITTER

Kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila matapos ang holiday season, maluwag pa rin ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX), Sabado ng umaga.

Sa abiso ng NLEX, light traffic ang nararanasan sa bahagi ng Bocaue, Balintawak, Mindanao at San Fernando.

Tiniyak naman ng NLEX na handa sila sa pagbuhos ng mga sasakyan ngayong weekend.

Kaparehong lagay ng trapiko rin ang nararanasan sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX).

Sa huling abiso bandang 8:45 ng umaga, light traffic sa northbound at southbound ng SLEX partikular sa Alabang Viaduct, Ayala Toll Plaza at Calamba Toll Plaza.

Sinabi pa ng Manila Toll Expressway Systems, Inc. na bukas ang bagong ramp sa Alabang Viaduct northbound para sa mga motorista.

Read more...