Pangulong Duterte, nakaranas ng pananakit ng tiyan – Sen. Go

By Angellic Jordan January 04, 2020 - 08:48 AM

Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na inabisuhan si Pangulong Rodrigo Duterte ng kaniyang doktor na magpahinga muna.

Ayon sa senador, ito ang dahilan kung kaya’t hindi nakadalo ang pangulo sa dalawang public engagement nitong Huwebes (January 2) at Biyernes (January 3).

Sinabi ni Go sa mga mamamahayag na nakaranas kasi ang pangulo ng pananakit ng tiyan dahil sa kinain nito.

Tiniyak naman ng senador na walang dapat ikabahala ang publiko sa lagay ng kalusugan ng pangulo.

Naglabas pa ito ng selfie kasama ang pangulo.

Hiniling din ng senador ang panalangin para sa mabilis na paggaling ng pangulo.

Matatandaang si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang naging representante ng pangulo sa pagbisita sa mga biktima ng lindol sa Malalag, Davao del Sur noong Biyernes.

TAGS: pananakit ng tiyan, President Rodrigo Duterte, Sen. Christopher "Bong" Go, stomach pain, pananakit ng tiyan, President Rodrigo Duterte, Sen. Christopher "Bong" Go, stomach pain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.