Tail-end of a cold front nakakaapekto sa E. Visayas; Amihan umiiral sa Luzon

By Rhommel Balasbas January 04, 2020 - 06:08 AM

Walang nakikitang sama ng panahon na makakaapekto sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, tail-end of a cold front at northeast monsoon o Amihan ang weather systems na umiiral sa bansa sa ngayon.

Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihinang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Aurora dahil sa Amihan.

Dahil naman sa tail-end of a cold front, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang maalinsangan na may posibilidad lamang ng mga panandaliang buhos ng ulan.

Nakataas pa rin ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Calayan
– Babuyan
– Cagayan
– Isabela
– Northern coast ng Ilocos Nore
– at Aurora

TAGS: northeast monsoon o Amihan, Pagasa, tail-end of a cold front, weather forecast, northeast monsoon o Amihan, Pagasa, tail-end of a cold front, weather forecast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.