Malacañang: Duterte hindi nakabisita sa quake victims sa Davao del Sur dahil kailangan matulog

By Rhommel Balasbas January 04, 2020 - 02:23 AM

Dumepensa ang Palasyo ng Malacañang matapos hindi muling makapunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng lindol sa Davao del Sur araw ng Biyernes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangan ng tulog ng pangulo dahil sa dami ng aktibidad nito sa mga nagdaang araw.

“Kailangan ng tulog ni PRRD dahil sa dami ng ginawa niya past few days,” ani Panelo.

Una nang itinakda ang pagbisita sa quake victims sa mga bayan ng Malalag at Padada noong Huwebes ngunit inilipat ng Biyernes dahil masama ang pakiramdam ng pangulo.

Sina Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte at Senator Bong Go ang kumatawan kay Duterte sa aktibidad para sa mga quake victims kahapon.

TAGS: Davao del Sur quake victims, he needs to sleep, Pangulong Rodrigo Durterte, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Davao del Sur quake victims, he needs to sleep, Pangulong Rodrigo Durterte, Presidential Spokesperson Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.