1 patay, maraming iba pa ang sugatan sa pagbangga ng bus sa pampasaherong jeep sa Sorsogon

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 07:32 PM

Isa ang patay habang sugatan ang iba pa makaraang bumangga ang isang bus sa pampasaherong jeep sa Sorsogon.

Nangyari ang aksidente araw ng Biyernes (Jan. 3) sa Maharlika Highway sa Sorsogon City.

Nasawi ang isa sa mga pasahero habang dinadala sa ospital.

Hindi pa naman malinaw sa ulat ng Bicol Region Police Office kung ang nasawing pasahero ay mula sa jeep.

Nagbababa noon ng pasahero ang jeep sa Brgy. Bulabog nang bumangga dito ang Ultra Bus.

Pawang dinala sa ospital ang mga nasugatan pang pasahero.

TAGS: accident, bus, inquirer, Jeep, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sorsogon city, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, bus, inquirer, Jeep, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sorsogon city, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.