MMDA may abiso sa publiko hinggil sa restriction code ng driver’s license

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 07:16 PM

Naglabas ng abiso sa publiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa mensaheng kumakalat na nanghuhuli umano ang mga MMDA Enforcer ng driver na may maling restriction code sa driver’s license.

Sa abiso ng MMDA, sinabi nitong hindi sila nanghuhuli ng anumang paglabag na may kinalaman sa restriction code ng driver’s license.

Sa kasalukuyan, hindi umano ito kasama sa hurisdiksyon ng ahensya.

Payo ng ng MMDA sa mga motorista, kung may MMDA enforcer na manghuhuli sa kanila ng dahil sa naturang paglabag, agad itawag sa MMDA hotline 136.

 

TAGS: Driver's license, inquirer, mmda, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, restriction code, Tagalog breaking news, tagalog news website, Driver's license, inquirer, mmda, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, restriction code, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.