Pagpapatupad ng bagong bagong passenger traffic scheme sa LRT-1 bukas hindi muna itutuloy

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 07:03 PM

Hindi muna itutuloy ng LRT line 1 ang pagpapatupad ng bagong passenger traffic scheme nito.

Dapat sana ay bukas, January 4, 2020 sisimulan ang bagong traffic scheme ng LRT-1 na ipatutupad sa Monumento, Balintawak, and Roosevelt stations.

Pero ayon sa pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) para ma-accommodate ang mga deboto ng Itim na Nazareno sa January 9, 2020 ipagpapaliban muna ang pagpapatupad ng bagong passenger traffic scheme.

Iaanunsyo na lamang ng LRMC kung kailan ito itutuloy.

Ang bagong passenger traffic scheme ay bunsod ng ginagawang Common Station o ang Unified Grand Central Station (UGCS) na magdudugtong sa LRT-1, MRT-3 at MRT-7.

TAGS: inquirer, lrt line 1, News in the Philippines, passenger traffic scheme, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, inquirer, lrt line 1, News in the Philippines, passenger traffic scheme, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.