Pangulong Duterte hindi muli nakapunta sa mga biktima ng lindo sa Davao Del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 05:59 PM

Hindi muli nakarating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao del Sur para bisitahin at abutan ng tulong ang mga biktima ng lindol doon.

Sa halip ay kinatawan na lang ang pangulo ng kaniyang anak na si Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte.

Ayon kay Senator Bong Go, masama ang pakiramdam ng pangulo, gayunman, maayos naman ang kondisyon nito.

Una nang kinansela ang pagtungo ng pangulo sa Davao Del Sur noong Huwebes (Jan. 2) dahil masama ang kaniyang pakiramdam.

Dahil dito, sinabi ng Malakanyang na ngayong araw na lamang tutuloy ang pangulo sa lalawigan, ngunit muli itong hindi natuloy.

TAGS: Davao del Sur, earthquake victims, inquirer, News in the Philippines, Padada, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Davao del Sur, earthquake victims, inquirer, News in the Philippines, Padada, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.