U.S. Embassy sa Baghdad pinalilikas na ang lahat ng kanilang mamamayan na nasa Iraq
Nagpalabas ng Security Alert ang U.S. Embassy sa Baghdad, Iraq para sa kanilang mga mamamayan doon.
Nakasaad sa abiso na dahil sa tumitinding tensyon sa Iraq kinakailangang umalis na doon sa lalong madaling panahon ang mga mamamayan ng Amerika.
Payo ng embahada ng U.S. hangga’t maari ay umalis via airline at kung hindi kaya ay dumaan sa kalapit na bansa via land.
Nananatiling suspendido ang operasyon ang embahda ng U.S sa Iraq matapos ang Iranian-backed militia attacks sa palibot nito.
Pinayuhan ang lahat ng mamamayan ng Amerika na huwag nang bumiyahe patungong Iraq, iwasan ang magtungo sa embahada sa Baghdad at palagiang magmonitor ng updates sa media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.