Mag-asawa patay sa pananambang sa Negros Oriental

Patay sa pananambang mag-asawa sa Barangay Minaba, Bayawan City, Negros Oriental.

Nangyari ang pananambang alas 7:00 ng umaga ng Biyernes, January 3.

Ayon sa ulat ng Negros Police, ang mga biktima ay nakilalang si Felix Garganian at ang asawa nitong si Avelina kapwa residente ng Sitio Naga sa Barangay Minaba ng nasabing lungsod.

Patungong Bayawan City proper ang mag-asawa sakay ng kanilang motorsiklo nang sila ay tambangan ng hindi nakilalang suspek.

Wala pa ring makapagsabi kung mag-isa lamang ang suspek na bumaril sa mag-asawa.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...