Panghihimasok umano ng isang hukom sa Baguio sa kaso ng isang taxi driver pinaiimbestigahan ng SC

Kumilos na ang Korte Suprema para imbestigahan ang umano’y insidente na kinasasangkutan ng isang hukom sa Baguio City.

Inatasan na ni Chief Justice Diosdado M. Peralta si Court Administrator Jose Midas P. Marquez na kumuha ng kopya ng report mula sa Baguio City Police at Statements ng PNP personnel kung saan sangkot si Judge Mabalot.

Nabatid na nanghimasok umano si Mabalot sa kasong kinasangkutan ng taxi driver na nagmura at nagtangkang sumasaga sa kagawad ng pulisya na sumita sa kanya dahil sa pagparada malapit sa Baguio City Hall bisperas ng Bagong Taon.

Nais din ni Peralta na pagpaliwanagin si Mabalot nang hindi lalampas sa sampung araw salig sa pinaiiral na due process.

Inaatasan din ang tanggapan ng Court Administrator na magsumite ng rekomendasyon sa Office of the Chief Justice sa loob ng 15 araw kapag natanggap na nila ang tugon ni Judge Mabalot.

Una nang sinabi ni Marquez na sinisiyasat na ng kanyang tanggapan ang insidente na kinasasangkutan ni Judge Mabalot at mangangalap muna sila ng impormasyon para pagpaliwanagin ang hukom.

Read more...