Suspek sa pagpatay sa 11 anyos na batang babae sa Batangas natagpuang tadtad ng tama ng bala

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 03:32 PM

Natagpuang patay at tadtad ng tama ng bala sa katawan ang inarestong suspek sa pagpatay sa 11 anyos na batang babae sa Bauan, Batangas.

Dinakip ang suspek na si Mark Alvin Sajer, 27 anyos pero dalawang araw matapos siyang makalaya mula sa kostodiya ng mga pulis, nakita itong walang buhay umaga ng Biyernes (Jan. 3) at may mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Batangas police chief Col. Edwin Quilates, iniimbestigahan na nila ang kaso ng pagpatay kay Sajer.

Naaresto si Sajer noong December 28 sa kasong pagpatay sa 11 anyos ba batang babae na natagpuan malapit sa creek noong bisperas ng Pasko.

Pero pinalaya ang suspek matapos ipag-utos ng provincial prosecutor na siya ay mai-release at maisailalim sa mas masusi pang imbestigasyon dahil nakulangan ang piskalya sa ebidensya laban dito.

Apat na testigo ang hawak ng pulisya na nagsabing huli nilang nakita ang bata na kasama si Sajer.

TAGS: Bauan Batangas, inquirer, murder suspect, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bauan Batangas, inquirer, murder suspect, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.