Mula sa zero incident noong 2019, Romblon nakapagtala ng tatlong biktima ng paputok sa pagsalubong sa 2020

By Ricky Brozas January 03, 2020 - 02:34 PM

File Photo

Kumpara sa zero o walang naitalang nabiktima ng paputok sa pagsalubong sa 2019 sa Romblon, ngayong 2020 new year ay nakapagtala ang lalawigan ng tatlong nasugatan dahil sa firecracker related incidents.

Batay sa datos na ipinadala sa Department of Health (DOH) ng Romblon Provincial Health Office, tatlo ang naitalang sugatan sa paputok nitong pagdiriwang ng Bagong Taon.

Dalawa sa mga biktima ay mula sa bayan ng Odiongan habang isa naman ay mula sa bayan ng Romblon.

Pinakabata sa mga biktima ay mula 11 taong gulang at 54 anyos naman ang pinakamatanda.

Pawang Kwitis ang sinasabing dahilan ng pagkasugat ng mga biktima na nagtamo ng pinsala sa kanilang mata at kamay.

Sa harap nito, ipinagpasalamat naman ng DOH Romblon na wala silang naitalang biktima ng ligaw na bala o stray bullets nitong pagsalubong sa bagong taon.

TAGS: department of health, doh, doh romblon, Firecracker related incidents, inquirer, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Romblon, Tagalog breaking news, tagalog news website, department of health, doh, doh romblon, Firecracker related incidents, inquirer, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Romblon, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.