Mahigit P1M halaga ng ilegal na paputok winasak ng NCRPO

Winasak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mahigit P1 milyon halaga ng ilegal na paputok.

Pinangunahan ni NCRPO acting director, Police Brig. Gen. Debold Sinas ang pagsira sa mga paputok na nakumpiska sa ilalim ng kanilang “Ligtas Kapaskuhan” 2019-2020 operations.

Ayon kay Sinas, sa kabila ng paulit-ulit na paalala ay marami pa ring nagtangkang magbentat bumili ng ilegal na paputok.

Kabilang sa mga nakumpiska ay mga Picolo, Super Lolo, Lolo Thunder/Atomic/Big Triangle, Pla-pla at iba pang illegal firecrackers at pyrotechnic devices.

Sa kabila nito, sinabi ni Sinas na naging mapayapa ang pagdiriwang sa buong Metro Manila ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Read more...