Imbestigasyon sa kontrata sa pagitan ng MRT/LRT sa provider ng Beep Card posibleng isagawa ng DOJ

By Ricky Brozas January 03, 2020 - 01:12 PM

Bukas ang Department of Justice (DOJ) sa posibleng pagsilip sa kontrata ng Department of Transportation at AF Payments Inc. sa MRT/LRT Beep Card.

Sa harap ito ng sinasabing mga probisyon sa nasabing kontrata kung saan dehado ang gobyerno.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, agad silang magsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing isyu oras na pormal na hilingin ng Dept of Transportation o kayay ipag-utos mismo ng Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Sec. Guevarra na posibleng talakayin din ang nasabing isyu sa susunod na cabinet meeting.

Naungkat ang panawagang pagsilip sa kontrata sa beep card supplier matapos na tumaas ang presyo nito sa P30 mula sa P20.

TAGS: beepcard, DOJ, dotr, inquirer, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, stored value, Tagalog breaking news, tagalog news website, beepcard, DOJ, dotr, inquirer, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, stored value, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.