Kampo ng mga Ampatuan naghain na ng notice of appeal sa QC-RTC

By Ricky Brozas January 03, 2020 - 12:39 PM

Hihintayin muna ng kampo ng mga Ampatuan na maisumite ng Quezon City Regional Trial Court sa Court of Appeals ang case record ng Maguindanao massacre case records bago sila maghain ng apela.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Paul Laguatan matapos nilang ihain ang notice of appeal sa QC-RTC kaya hindi na sila maghahain ng motion for reconsideration sa korte.

Magugunitang December 19 nung hinatulang guilty ni QC-RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes sa kasong murder ang mga magkakapatid na Ampatuan dahil sa pagkamatay ng 57 katao kabilang na ang 32 mamamahayag.

Samantala tiniyak naman ng Department of Justice na maghahain sila ng oposisyon o pagtutol kapag naisumite na mg mga Ampatuan ang kanilang apela.

TAGS: ampatuan, inquirer, maguindanao massacre, News in the Philippines, notice of appeal, PH news, Philippine breaking news, QC RTC, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ampatuan, inquirer, maguindanao massacre, News in the Philippines, notice of appeal, PH news, Philippine breaking news, QC RTC, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.