Kagawad ng barangay patay, 4 pa sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Quezon

Patay ang isang kagawad ng barangay habang apat pa ang sugatan sa aksidente na naganap sa General Nakar, Quezon.

Dalawang motorsiklo ang nagkabanggaan sa Barangay Anoling, Huwebes (Jan. 2) ng gabi.

Ayon sa General Nakar police ang biktima ay nakilalang si Eliseo Astejada, 50 anyos ba kasalukuyang kagawad ng barangay.

Sakay si Astejada ng motorsiklo nang mabangga ng kasalubong na motorsiklo.

Nagtamo naman ng sugat ang driver ng isang motorsiklo na si Randy Fugoso gayundin ang tatlo niyang sakay na kinabibilangan ng kaniyang asawa at dalawa nilang anak.

Inamin naman ng misis ni Fugoso na ito ay nakainom nang mangyari ang aksidente.

Read more...