Daloy ng traffic sa NLEX at SLEX nananatiling maluwag

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 09:59 AM

Nananatiling maluwag ang daloy ng traffic sa mga pangunahing lansangan ngayong araw.

Ito ay sa kabila ng inaasahan na mula ngayong araw hanggang sa Sabado at Linggo ay dadagsa na ang mga pasahero at motoristang babalik sa Metro Manila matapos magdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa kanilang probinsya.

Sa mga larawang ibinahagi ng Toll Regulatory Board simula kaninang madaling araw hanggang sa mga oras na ito ay light ang traffic sa mga toll plaza sa North Luzon Expressway at South Luzon Expressway.

Alas 9:50 ng umaga kanina nananatiling maluwag ang daloy ngj traffic sa EDSA – Balitnawak, sa Mindanao Avenue, Meycauayan, at Bocaue sa NLEX.

Sa Cavitex, sa kasagsagan ng rush hour kanina ay maluwag din ang daloy ng traffic sa mga toll plaza.

TAGS: inquirer, News in the Philippines, NLEX, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, SLEX. Toll Plazas, Tagalog breaking news, tagalog news website, traffic situation, traffic update, inquirer, News in the Philippines, NLEX, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, SLEX. Toll Plazas, Tagalog breaking news, tagalog news website, traffic situation, traffic update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.