Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Administrator Hans Leo Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration ang pagkakakulong ng mag-asawang suspek ay kinumpirma Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Ahmad Althwaikh.
Nakausap na ng mga labor official ng Pilipinas si Althwaikh hinggil sa insidente.
Ayon kay Cacdac, inaasahang tatagal ng 6 hanggang 7 araw ang imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ni Villavende.
Pagkatapos nito ay saka pa lamang maisasampa ang kaso sa mga suspek.
Ani Cacdac, maaring tiyak nang makakasuhan ang babaeng amo dahil mismong ang lalaking amo ang nagsabing ang kaniyang misis ang bumugbog kay Villavende.
Pero ani Cacdac umaasa silang makakasuhan din ang lalaking amo dahil naniniwala silang hindi lang isang tao ang gumawa ng pananakit kay Villavende.
Ang pagpapauwi naman sa mga labi ng naturang OFW ay nakadepende sa takbo ng kaso.