Pagpapatupad ng partial deployment ban sa Kuwait ganap nang nilagdaan ng DOLE
Ganap nang nalagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello ang memorandum na nagpapatupad ng partial deployment ban sa Kuwait.
Kasunod ito ng pagkasawi ng OFW na si Jeanelyn Villavende na pinaniniwalaang binugbog ng kaniyang among Kuwaiti.
Sa memorandum ni Bello, inaatasan nito si POEA Administrator Bernard Olalia na agad i-convene ang Governing Board para sa agarang pagpapatupad ng deployment ban sa mga OFWs sa Kuwait.
Sasakupin ng deployment ban ang mga bagong OFW at ang mga balik-manggagawa.
Inatasan ni Bello si Olalia na isama rin sa impormasyon ang pagpapatupad ng moratorium sa pagproseso at verification ng mga individual contracts at Job orders para sa mga bagong hire at balik-manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.