Ito ay matapos ang magkakasunod na missile attacks sa Baghdad International Airport na nagresulta sa pagsasara ng paliparan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Administrator Hans Leo Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration mayroong Embahada ang Pilipinas sa Baghdad.
Bagaman mayroon aniyang ban na umiiral sa pagtungo ng mga Pinoy sa Iraq ay sinabi ni Cacdac na mayroon pa ring mangilan-ngilang Pinoy na naroroon.
Una rito ay nagpalabas na ng abiso ang Philippine Embassy sa Iraq at sinabihan ang m,ga Pinoy doon na maging maingat at alerto.
Makabubuti ayon sa embahada na tumalima sa umiiral na curfew at iwasan ang pagtungo sa mga lugar na may demonstrasyon.
MOST READ
LATEST STORIES