Lockdown ipinatupad sa Baghdad Airport dahil sa missile attacks

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 07:33 AM

Apat na beses nakapagtala ng missile strike malapit sa paliparan sa Baghdad.

Nagresulta ng massive explosion ang pag-atake at nagkaroon ng sunog malapit sa Baghdad International Airport.

Ayon sa ulat ng mga otoridad, ang Iraqi military base ang talagang target ng missile attacks.

Ang base militar ay nasa likuran lang ng paliparan.

Sa pahayag ng military-run Security Media Cell, bumagsak malapit sa cargo terminal ng paliparan ang missiles.

Dalawang sasakyan ang nasunog at may mga nasugatang indibidwal.

Pansamantala nang isinara ang paliparan dahil sa insidente.

TAGS: baghdad international airport, inquirer, military base, missile attacks, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, baghdad international airport, inquirer, military base, missile attacks, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.